Posts

Showing posts from September, 2012

Nakaw

Nakaw   Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Lupa, Puno ng Saging, Niyog, Gulay mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Tubig, Kuryente, Titolo, Bakuran mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Edukasyon, Uniporme, Lapis, Kwaderno mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Mata, Bibig, Tainga, Ilong, Kamay at Paa mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninakawan       Sipa, Tadyak, Bugbog, Kuryente, Bala, Baril sa ulo, at Posas, mismong Buhay namin ay tinangkang nakawin Sigaw... Sigaw... Si... Gaw.. Si... Si... Si... SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW      Buhay lamang na tangkang nakawin aming pinapaglaban SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW mismong Buhay ng walang sala ang kanilang pinatahimik Sigaw ng backhoe, Sigaw ng Sirena, Sigaw ng nakauniporme       Buhay niyo ay nasa aming mga kamay na ba