Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang. Pagpuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula, kumatha’t sumulat, kalakhan din nila’y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. Bakit? Ano itong sakdal nang laki na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal kapangyayari at ginugugulan ng buhay na iwi. Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, si...