Posts

Showing posts with the label Mga tula

We were there

Image
A silence It was a night that I've never expected It was a night that slowly ended Every moment then was a blessing for me For I've met at last the person that I always see He asked our names and I was asked the last He came to me and I thought he wouldn't ask I could sense his perplexing stares But then we had to go, I took a last glimpse of him, hope he doesn't know It rained heavily one night and I wasn't able to go home I was accompanied by my friend, for I don't want to be alone He appeared just then and the heavy rain just end He went with us to the jeepney stop and that's when he went with me in abrupt That was a night that opened a beginning of a Friendship We were together most of the time From morning till afternoon he was as if mine But I never thought of what more we could've sought “FRIENDS” that's all we could be For I know he has someone else and it will never be me I was just his friend who's always there for him But as time...

Araw sa gabing madilim

Image
Matinding sikat na nakakasilaw Na binubulag ang aking mga mata Oras na upang magising at mabuhay Kumain , maligo , sumipilyo at kung anu -ano pang gawain . Tanghali na at nakakasilaw pa rin Gusto mong magpahinga ngunit oras ng liawanag tila'y paubos na Kailangang mag- sumikap at huwag isayang ang nalalabi Palubog na ang araw Tinatanaw ang mga kulay na nasa ulap at napaisip Wala na ang liwanag sa palibot Nawala man ang liwanag Sabay akyat naman ng misteryosong Ilaw na tila'y malaking bola na umiilaw Ang gandang tingnan ng mga munting alitaptap na tila'y mga bituing gumagalaw sa itim na kumot Araw sa gabing madilim

Sa mga binging tainga

SIGAW - mga salitang lumalabas sa bibig na abot langit ang lakas sa mga kalsada at lansangan. Nakikita kong mga katauhan Mga isyu't balita ng Inang Bayan, at sa mga kani-kanilang kalagayan kanilang pinagsisigawan TUNOG - mula sa mga radyo at telebisyon sa mga gitara at mga tambol nilang dala-dala sa pagtulo ng ulan sa mga bubungang sira mga batang nanlilimos ng awa at hustisya kanilang mumunting tinig HIMIG -  ng mga katauhan sa entablado man o piketlayn hanggang sa parangal kinakanta ang katotohanan sa boses ng aking mga mahal hanggang sa kausap kong nagpapasaya Ngunit ang mga SIGAW, TUNOG, AT HIMIG inyo bang nadidinig? Ng mga masang nagmamakaawa at nakikibaka inyo bang pinapansin o sadyang binabalewala? Sa mga berdugo at pasistang nagpapahirap sa kanila Ako ma'y bingi sa kanang tainga Ngayon at kailan man Puso't isipan ay hinding-hindi mabibingi sa katotohanan.

Mag-ingat kayo

Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa libre at dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa disenteng trabaho, suhulan't benepisyo para sa mga manggagawa Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa tunay na reporma agraryo, trabaho't lupa para sa mga magsasaka Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa karapatang pantao at lupang habilin para sa mga katutubo Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa tunay na hustisya at tunay na kalayaan para sa mga Masang Pilipino Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa tunay na Pambansang Demokrasya para sa Inang Bayan Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka dahil maraming kaaway sa paligid Mag-iingat kayo. dahil maraming masang nag-aantay sa inyo at sama-sama kayong makikibaka patungo sa huling paglalaban .