Kailan?

Ilang taon din akong naghirap.

Nagbungkal ng pangako mula

sa baul na nakatago.

Lahat na ibinenta ni pamilya,

pati sarili nilang kaluluwa, 

upang ako'y makapagtapos.

Ngunit, pera nami'y hindi 

para sa kanya o sa kanila.



Trabaho. Ninanais kong trabaho.

Saan man ako dalhin ng aking

mga pangarap. Gagawin kong 

lahat, maging maginhawa lamang ang

ating buhay.



Pinatay na ng sistema ang aking pamilya.

Binigyan ng malubhang karamdaman, ang

inang nangangailangan ng gamot. 

kapatid ko'y binaril sa kasalanang hindi kanya.

Tatay ko'y dinakip sa kanyang prinsipyong

ipinapaglaban.

Hanggang ngayon, hustisya ay hindi dumarating.



Ilang taon ang dumaan, 

ilang sakripisyo't paghihirap ang aking

nilagpasan.  Simbolo ba ito ng kabayanihan?

o ng kahibangan? 

Ilan na ang tumangkang umalis sa libingan ng 

mga pangako. 



Sa isang trabaho, akala koy matitimbre ko

na ang inaasam na pangarap - pangarap na 

minsa'y akala ko hindi na matatanto. 

Ginahasa. Ginahasa ako ng among 

akala mo'y santo, iyon pala'y isang 

nagbabalat kayo na demonyo. DEMONYO!



Nais ko lamang ay makapagtrabaho.

Nagluwal ako ng isang bastardo,

ngunit, hindi niya kasalanan. Wala siyang

kinalaman. Ako ma'y

nasaktan, Ako ma'y ilang ulit gahasain ng 

sistemang hindi atin. Ngayo'y nagkaroon

na ako ng panibagong buhay. 



Ngunit kinakailangan kitang iwan anak,

mahal na mahal kita, ngunit kailangan

hindi ako tatagal doon, at ika'y aking babalikan -

babalikan kita, pangako ko yan,

mga luha kong ito'y para sa iyong magandang bukas.



Ate, Kuya, ingatan ninyo ang aking dugo't buhay

ako'y lilisan muna, at babalik din.

ako man gawing puta ng sistema ng mga gahaman,

sistema ng mga mukhang pera.

lahat ay gagawin ko, para sa atin.



Anak, sa aking pagbalik,

nais kong masilayan ng iyong mga mata

sa isang magandang umaga.

nais kong madama mo ang 

ginhawa na dapat sa atin.



Hindi ko kailanman ginusto,

na ika'y iwan ko. Hindi ko alam, kung bakit

kinakailangan kong mawalay sa iyo.

Basta't alam ko. Gusto ko ng trabaho.

Gusto ko mabigay ang dapat sa atin.

Gusto kong mabuhay tayo. Mabuhay tayo

sa isang pangakong hindi mapapako.



at kung itong liham iyong mabasa,

sa iyong ika-18 kaarawan.

Ako'y humihingi ng dispensa.

At hindi man lamang kita makasama.

Babalik ako, hindi ko lamang alam.

Kung KAILAN.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Fr. Rudy Romano: Fidelity and Joy in Serving the Poor and Oppressed…Where is justice on his involuntary disappearance?