Posts

Showing posts from December, 2012

Dahil ang pakikibaka'y higit pa sa isang milyong 'Mahal Kita'

ang nais ko lamang ay paglingkuran ang bayan... ang mga mamamayang sinasaktan ng pagsisinungaling panghuhuthot ng mga garapal na politikot mga negosyante naghahasik lamang ng dahas pinapatay hindi lamang sila, kundi pati tayo mahal kita, kaya ginagawa ko ito, mahal natin sila, kaya tayo naririto. buhay mo ay buhay para sa kanila buhay ko para sa kanila at sa atin. ang pag-ibig ko sa kanila ay isang pag-ibig na higit pa sa burgis at makasariling pagmamahalan. sana'y maintindihan ito ng lahat. dahil hindi kita minsan lamang inibig, hindi kita inibig dahil ika'y isang prinsesa hindi dahil sa kayamanan na pwede nating makuha hindi para sa mga sarili lamang kundi mahal kita noon pa man. hindi lamang isang minuto, kundi oras-oras, araw-araw. daang taon pa man ang lilipas, tayo, kasama ang sambayanan, lilikha ng isang pagmamahalan na makabayan,makamasa at hindi makasarili. samahan mo ako, samahan natin sila at sabay tayong tutulong sa kanila tulad ng ginawa ni Hesus at ng mga martyr a...

Kailan?

Ilang taon din akong naghirap. Nagbungkal ng pangako mula sa baul na nakatago. Lahat na ibinenta ni pamilya, pati sarili nilang kaluluwa,  upang ako'y makapagtapos. Ngunit, pera nami'y hindi  para sa kanya o sa kanila. Trabaho. Ninanais kong trabaho. Saan man ako dalhin ng aking mga pangarap. Gagawin kong  lahat, maging maginhawa lamang ang ating buhay. Pinatay na ng sistema ang aking pamilya. Binigyan ng malubhang karamdaman, ang inang nangangailangan ng gamot.  kapatid ko'y binaril sa kasalanang hindi kanya. Tatay ko'y dinakip sa kanyang prinsipyong ipinapaglaban. Hanggang ngayon, hustisya ay hindi dumarating. Ilang taon ang dumaan,  ilang sakripisyo't paghihirap ang aking nilagpasan.  Simbolo ba ito ng kabayanihan? o ng kahibangan?  Ilan na ang tumangkang umalis sa libingan ng  mga pangako.  Sa isang trabaho, akala koy matitimbre ko na ang inaasam na pangarap - pangarap na  minsa'y akala ko hindi na matatanto.  Ginahasa. Ginahasa...