Dahil ang pakikibaka'y higit pa sa isang milyong 'Mahal Kita'

ang nais ko lamang ay paglingkuran ang bayan...

ang mga mamamayang sinasaktan ng pagsisinungaling

panghuhuthot ng mga garapal na politikot mga negosyante

naghahasik lamang ng dahas

pinapatay hindi lamang sila, kundi pati tayo

mahal kita, kaya ginagawa ko ito,

mahal natin sila, kaya tayo naririto.

buhay mo ay buhay para sa kanila

buhay ko para sa kanila at sa atin.

ang pag-ibig ko sa kanila ay isang pag-ibig

na higit pa sa burgis at makasariling pagmamahalan.

sana'y maintindihan ito ng lahat.

dahil hindi kita minsan lamang inibig,

hindi kita inibig dahil ika'y isang prinsesa

hindi dahil sa kayamanan na pwede nating makuha

hindi para sa mga sarili lamang kundi

mahal kita noon pa man.

hindi lamang isang minuto,

kundi oras-oras, araw-araw.

daang taon pa man ang lilipas,

tayo, kasama ang sambayanan,

lilikha ng isang pagmamahalan na makabayan,makamasa at hindi makasarili.

samahan mo ako, samahan natin sila

at sabay tayong tutulong sa kanila

tulad ng ginawa ni Hesus at

ng mga martyr at bayaning nabuhay at namatay

para sa isang lipunang hindi

makasarili, hindi mapang-api

kundi, isang lipunang puno

ng pagmamahal sa bayan, sa kapwa,

at sa tunay na kalayaan at hustisya.

mahal na mahal kita.

at alam mo iyon.

Comments

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)