Posts

Showing posts from 2012

Dahil ang pakikibaka'y higit pa sa isang milyong 'Mahal Kita'

ang nais ko lamang ay paglingkuran ang bayan... ang mga mamamayang sinasaktan ng pagsisinungaling panghuhuthot ng mga garapal na politikot mga negosyante naghahasik lamang ng dahas pinapatay hindi lamang sila, kundi pati tayo mahal kita, kaya ginagawa ko ito, mahal natin sila, kaya tayo naririto. buhay mo ay buhay para sa kanila buhay ko para sa kanila at sa atin. ang pag-ibig ko sa kanila ay isang pag-ibig na higit pa sa burgis at makasariling pagmamahalan. sana'y maintindihan ito ng lahat. dahil hindi kita minsan lamang inibig, hindi kita inibig dahil ika'y isang prinsesa hindi dahil sa kayamanan na pwede nating makuha hindi para sa mga sarili lamang kundi mahal kita noon pa man. hindi lamang isang minuto, kundi oras-oras, araw-araw. daang taon pa man ang lilipas, tayo, kasama ang sambayanan, lilikha ng isang pagmamahalan na makabayan,makamasa at hindi makasarili. samahan mo ako, samahan natin sila at sabay tayong tutulong sa kanila tulad ng ginawa ni Hesus at ng mga martyr a...

Kailan?

Ilang taon din akong naghirap. Nagbungkal ng pangako mula sa baul na nakatago. Lahat na ibinenta ni pamilya, pati sarili nilang kaluluwa,  upang ako'y makapagtapos. Ngunit, pera nami'y hindi  para sa kanya o sa kanila. Trabaho. Ninanais kong trabaho. Saan man ako dalhin ng aking mga pangarap. Gagawin kong  lahat, maging maginhawa lamang ang ating buhay. Pinatay na ng sistema ang aking pamilya. Binigyan ng malubhang karamdaman, ang inang nangangailangan ng gamot.  kapatid ko'y binaril sa kasalanang hindi kanya. Tatay ko'y dinakip sa kanyang prinsipyong ipinapaglaban. Hanggang ngayon, hustisya ay hindi dumarating. Ilang taon ang dumaan,  ilang sakripisyo't paghihirap ang aking nilagpasan.  Simbolo ba ito ng kabayanihan? o ng kahibangan?  Ilan na ang tumangkang umalis sa libingan ng  mga pangako.  Sa isang trabaho, akala koy matitimbre ko na ang inaasam na pangarap - pangarap na  minsa'y akala ko hindi na matatanto.  Ginahasa. Ginahasa...

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Image
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang. Pagpuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula, kumatha’t sumulat, kalakhan din nila’y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. Bakit? Ano itong sakdal nang laki na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal kapangyayari at ginugugulan ng buhay na iwi. Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, si...

Mr. Sunlight's Early

November 12, 2012 I woke up early today due to Mr. Sunlight's bright light. Aside from that light, its heat is burning my skin, like a roasted isaw from Eileens or fried Kwekwek and Proben by Claveria. Even Mr. Pingui is shocked. I can't help but wonder, how come Mr. Sunlight is early today? Is it because I need to do many things since I dismissed my Alarm clock? Is it because of the rotation of planets around the Sun's axis? Or is it because time flies faster? What happens if Mr. Sunlight's bright light will not shed on our faces? It is a good thing to ponder with. How Mr. Sunlight and Time work together just to let us know that Life truly exists.

Nakaw

Nakaw   Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Lupa, Puno ng Saging, Niyog, Gulay mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Tubig, Kuryente, Titolo, Bakuran mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Edukasyon, Uniporme, Lapis, Kwaderno mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan       Mata, Bibig, Tainga, Ilong, Kamay at Paa mismong Buhay ninanakaw Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninakawan       Sipa, Tadyak, Bugbog, Kuryente, Bala, Baril sa ulo, at Posas, mismong Buhay namin ay tinangkang nakawin Sigaw... Sigaw... Si... Gaw.. Si... Si... Si... SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW      Buhay lamang na tangkang nakawin aming pinapaglaban SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW mismong ...

E4ALL is Education For ALL