Nakaw
Nakaw
Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan
Lupa, Puno ng Saging, Niyog, Gulay
mismong Buhay ninanakaw
Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan
Tubig, Kuryente, Titolo, Bakuran
mismong Buhay ninanakaw
Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan
Edukasyon, Uniporme, Lapis, Kwaderno
mismong Buhay ninanakaw
Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninanakawan
Mata, Bibig, Tainga, Ilong, Kamay at Paa
mismong Buhay ninanakaw
Sigaw lamang namin ay hustisya para sa ninakawan
Sipa, Tadyak, Bugbog, Kuryente, Bala, Baril sa ulo, at Posas,
mismong Buhay namin ay tinangkang nakawin
Sigaw... Sigaw... Si... Gaw..
Si... Si... Si...
SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW
Buhay lamang na tangkang nakawin aming pinapaglaban
SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW nang SIGAW
mismong Buhay ng walang sala ang kanilang pinatahimik
Sigaw ng backhoe, Sigaw ng Sirena, Sigaw ng nakauniporme
Buhay niyo ay nasa aming mga kamay na bakal
Sigaw ng mga magnanakaw inyong pinakikinggan
Buhay niyo ay pinakontrol ninyo ng walang angal
Sigaw ng Isa, Dalawa, Tatlo, Sampu, Dalawampung nakauniporme
Sa mga utos ng mga nagmamay-ari
Kuno ng mga hardin, kung saan binungkal at sinira at dun inilibing ang mga tinanim na buhay at ginawang alipin ng mga landgrabber na salarin
Putang ina ninyo mga aktibista! Putang ina ninyo!
Sigaw ninyong mga nakauniporme at may bigote
Sigaw ninyo sa aming mga pulubi
Sigaw ninyo sa aming lumalaban
Sigaw ninyo sa aming tulad niyong nilalamangan ng mga dayuhan at gahaman
Sigaw ninyo, puro mura't paninira
Sigaw ninyo, puro pambubusabos, panunupil
Sigaw ninyo, puro makahaciendero't kapitalista
Sigaw ninyo... SIGAW... SIGAW... SIGAW....
Sigaw lamang namin ay hustisya sa ninakawan
Sigaw lamang namin ay hustisya
Sigaw lamang namin ay hustisya sa ninanakawan
Sigaw lamang namin ay katarungan
Sigaw lamang namin ay hustisya't kalayaan
Sigaw lamang namin ay kami'y pakinggan, paniwalaan at paglingkuran
Nakaw. Ninakaw. Nanakawin.
Hindi niyo kami pinakinggan. Mga magnanakaw. Mga magnanakaw ng
SIGAW.
Ang mga sigaw ng mga naghahahangad ng tunay na kaginhawaan.
Sa anim na araw ng aming sigaw. sa aming nakaw na sigaw
Nakaw ay isang krimen, ngunit aming sigaw
HIMAGSIKAN AT DIGMANG BAYAN
Sigaw lamang namin ay tunay na hustisya sa mga ninakawan...

okeeeh.. nice! :D
ReplyDeletekahit ang walang pag-aari ninanakawan
Kung wala bang kinuhang gamit,
hindi na kawatan ang ngalan?
Paano kung ang inagaw
ay ang mismong karapatan?
Paano kung ang kinuha
sarili mo nang kamalayan?
(rap daw na kunyari) haha!
Okay, magcritic na ako:
ReplyDeleteActually, kung gagawing palabas ang poem mo, no need na to change title kay pangfilm na daan iyang title.
Good establishing word ang "sigaw" and buti nalang sinundan mo ng concrete words ang salitang yun. Madali ma-gets ang pattern: sisigaw kayo, rason kung bakit kayo sumisigaw at anong ginawa nila sa sigaw ninyo---> which is very helpful para mas matatak talaga sa reader ang point mo.
Sumisigaw kayo para sa mga nananakawan hanggang sa kayo mismo ang ninakawan ng sigaw<- ito point mo diba? :)
I understand your goal on repeating the word sigaw, but medyo napasobra yata. HAHA. dragging na sya sa middle part. Pero effective naman ang pagkakagamit kasi imbis "nakaw" ang naalala ko, ang nasasagi sa isip ko
"ahh.. yung about sa sigaw ng sigaw ng sigaw?" HAHAHA. see? power kaayo ! :D
Tama yung ginawa mong pagpapakilala na may "magnanakaw" nga.It adds more conflict. I suggest mas exciting kung nagbigay ka ng hint kung sino sila. Kahit simbolo lang nila. Hindi necessarily kelangan ireveal. For the benefit ng mga taong hindi alam ng story ninyo. :)
Nakaka-arouse actually ang poem mo. Sapat yung imagery na nilagay mo jan sa tula para i-lead ang readers into conclusion na "may naaapi at nang-aapi". ^__^
Generally, thumbs up! Padayon, kuya! MORE! MORE! :))
God bless you. Di bale, you will soon recall the missing lines for this poem. I believe you have not forgotten it, they're only lost for awhile in your memories. Find these missing lines in the people. Find their meaning through service.
AD MAJOREM DEI GLORIAM!
STP! :)
Sunggolicious.
ReplyDeleteYeah. I was reciting this to myself when writing it. I kept repeating sigaw since mabilis tempo nyan. Want me to read it in person? Pero thanks. Nakakatulong tlga ang iyong critic. Will improve more for the people in my next poem. ;) amdg!
Ako'y nagtatanim sila ang umaani,
ReplyDeleteLupang aming binili ng tama
Kanilang gustong angkinin
Ako'y nag-iisa kasama ang aking pamilya
Pag New Year piyesta kung sila'y maghanda
parang saganang sagana
Nariyan lang ang paaralan
ayaw nilang pumasok
Wala daw baon, kontribusyon na 15 pesos hindi nila
gustong bayaran
Ang bukas ay kanilang ninanakaw
Para sa kagustuhan at hiling ng ngayon
Paligid ko'y angkan nila
Samantalang ako'y nag iisa
Bukas ang pinto, halina
Kung ano ang maisasalo ko'y sige na abot ko na
Binigyan ng hanapbuhay
Ang ginawa nila'y magnakaw pa rin
Kulang ang pera para sa bisyo ay pagpiyesta
Ngunit buong taon naman sila'y nagdurusa
Sila'y galit dahil kanilang ibinenta ang lupa nila sa San Miguel
Binigyan ng tig san daang libo - ginawa nila'y magpagawa ng malaking bahay
Ngayon ubos ang pera, walang hanap buhay,
Ngayon lupa ng may lupa ay kanilang tinatangway
Sigaw nila, dala ang tabak at gulok
Ibigay ang hindi naman nila pinaghirapan
Bakit nga ba ganoon ang mga tao?
Sigaw nila, gagawin daw nilang disyerto
ang aming maliit na lupang minana sa ama
Bakit disyerto? Kasi ni ultimong damo raw ay kanilang
tatangayin
Gumawa ako ng bahay, sila namang bumutas
inggit, ngit ngit at galit dahil sila'y mapagbisyo
Ganyan ang mga tao ngayon
Gusto nakukuha ang hindi kanila
Bunsod na rin siguro ng mapag inggit na kultura
Aking tinanim, sila ang umani
Aking bakod, sila'y sumira
Maniniwala ka lang, pag ikaw ang nandito
Sana makita mo ang totoo sa mata ng katulad ko
Buhay na ninakaw, ni isang buhok ng tao dito ay hindi ko ginalaw
Ngunit sila, manakawan ng konti ng kapwa nila - papatayin nila
Bakit nga ba sila dapat ipaglaban
Kung sila nama'y pakakainin mo na - kakagatin ka pa?