Posts

Showing posts from May, 2013

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Inaalay sa lahat ng martir at bayani ng   pakikibaka   mula sa  First Quarter Storm at magpahanggang   ngayon   tulad nina Beng Hernandez, Rebelyn Pitao, Alvin Santiago, Millet, Tanya Domingo, Ian Dorado, Cris Hugo, Ambo Guran, Karen Empeno, Sherlyn Cadapan,Kimay, Fr.Pops, Cristina Jose, Capeons, at sa   lahat   ng  Biktima ng  Politikal na pamamaslang at pagdukot. Kasalanan bang halikan ang kanilang punglo ? Makialam, harapin ang alimpuyo At umibig sa isang paninindigan Ng rebolusyonaryo’t proletaryado Ng nakikibakang sandaigdigan - Pagdampot mo sa langgam na gaya ko Pilit bumabalikwas ang aking sentido Ako ba’y itak ? Na babasag sa iyong utak?  O lason sa inumin mong alak? Hinubaran mo na ang hubad kong katawan Nilait ng makamandag mong kasinungalingan Mga mata ko’y iyong pinunit Sa bala mong nangigipit Ngunit mata ko’y di pipikit Sa masang ako’y naaakit Iputok mo ang ba...

Kasalan Ba? (Para sa martir at bayani ng FQS at pakikibaka't pakikidigma, at para kay Beng)

Kasalanan bang maghimagsik, makialam, maging mapangahas at maniwala sa isang ideolohiya - ideolohiyang rebolusyonaryo't proletaryado. Pagdampot mo sa akin ay pilit iniintindi. Ako ba ang tunay na kaaway? Ako ba ang tunay na pumapatay? Hinubaran mo ko't ginahasa ng iyong mga kasinungalingan. Mga mata ko ma'y iyong bulagin Hinding hindi mawawala ang sirang mundong aking nakita Iputok mo ang iyong baril sa aking ulo, sa aking braso, sa aking tuhod o diretso sa puso Hinding-hindi mo ko mapapatay sa isang kasalanang hindi ko pinagsisihan. ang maglingkod sa kapwa, sa aking bayan. Ilang araw, linggo o taon mo man Akong itago at pahirapan Kahit sa mismong oras ng aking pagkakapaslang, darating rin ang araw, na ikaw, kayo at sila'y Magiging tulad kong Mandirigma. Ang aming paglulunsad ng pambansa demokratikong  rebolusyon  Isang digmang bayan na siyang magwawaksi ng pagkagapos sa mga kadena ng kapital at pagdudusta Isang araw, ito'y maiintindihan mo rin Darating s...

IKAW BA'Y DISMAYADO AT NAGTATANONG...?

Image
IKAW BA'Y DISMAYADO AT NAGTATANONG...? ni  Rey Claro Casambre I kaw ba'y dismayado at nagtatanong: B akit kay dami nang negatibong  A ral patuloy pang nahahalal ang mga G anid at pusakal, mga S akim sa kapangyarihan, A t mga magnanakaw, K riminal at papet ng dayuhan? A la ba talagang pagkadala ang masa N alilinlang man o nawiwindang na, G obyernong tiwali lagi ang resulta? M ay mapagpipilian nga ba A ng botante mula sa mga P ulitikong pinag-aagawan A ng poder at pribilehyo N a mailuklok sa G obyerno ng bayan - A numang itim ng rekord -- kung may kulay man P angalang madungis na't masangsang I hahandog muli sa bayan nang N apabango, napakinang ng G into't panlilinlang. S isisihin ba natin ang masang I naapi't pinagsasamantalahan S a resulta ng isang tiwaling halalan? T anging sa demokratiko't malayang lipunan E leksyo'y salamin sa pasya ng mamamayan M akibaka para sa pambansang demokrasya A t buuin ang tunay na gobyerno ng masa! -------------------- Pangarap,...