IKAW BA'Y DISMAYADO AT NAGTATANONG...?
IKAW BA'Y DISMAYADO AT NAGTATANONG...?
ni Rey Claro Casambre
I kaw ba'y dismayado at nagtatanong:
B akit kay dami nang negatibong
A ral patuloy pang nahahalal ang mga
G anid at pusakal, mga
S akim sa kapangyarihan,
A t mga magnanakaw,
K riminal at papet ng dayuhan?
A la ba talagang pagkadala ang masa
N alilinlang man o nawiwindang na,
G obyernong tiwali lagi ang resulta?
M ay mapagpipilian nga ba
A ng botante mula sa mga
P ulitikong pinag-aagawan
A ng poder at pribilehyo
N a mailuklok sa
G obyerno ng bayan
-
A numang itim ng rekord -- kung may kulay man
P angalang madungis na't masangsang
I hahandog muli sa bayan nang
N apabango, napakinang ng
G into't panlilinlang.
S isisihin ba natin ang masang
I naapi't pinagsasamantalahan
S a resulta ng isang tiwaling halalan?
T anging sa demokratiko't malayang lipunan
E leksyo'y salamin sa pasya ng mamamayan
M akibaka para sa pambansang demokrasya
A t buuin ang tunay na gobyerno ng masa!
--------------------
Pangarap,Kabiguan.....Tagumpay
Sinulat ng isang Migrante
Tapos na ang eleksyon ng malalaki’t mayayamang angkan.
Sumubok tayong makihamok sa laro nila
Sumubok ipakita ang ating pagkakaisa.
Oo mahirap
Mahirap ang laro sa isang larangang nilikha
ng mapaniil na estado upang panatilihin ang kanilang paghahari.
Subali’t kailangang pasukin ito alang-alang sa ating kapakanan.
Dala ang pangarap na matiwasay na buhay.
Laruin natin ang larangan elektoral.
Alang-alang sa ilang milyong mga kapatid nating iniwan ang pamilya
Kailangang pasukin ito upang isiwalat sa lahat ng Migranteng Pilipino na
Ginagamit lang tayo para sa kanilang interes na magpayaman.
Sa susunod na halalan, lalahok pa rin tayo
Mangangarap pa rin tayong manalo
Mangangarap na isang araw na lang,
Dadagundong ang ating tinig sa Kongreso
Na sumisigaw,
"Kami ay Migranteng Pilipino
Hindi kami simpleng OFW lamang!
Kami ay Migranteng gusto ay bayang hindi
Nagtutulak sa kanyang mamamayan
Na hanapin ang kapalaran sa ibang Bayan"

Comments
Post a Comment