Kasalan Ba? (Para sa martir at bayani ng FQS at pakikibaka't pakikidigma, at para kay Beng)
Kasalanan bang maghimagsik,
makialam, maging mapangahas
at maniwala sa isang ideolohiya -
ideolohiyang rebolusyonaryo't proletaryado.
Pagdampot mo sa akin
ay pilit iniintindi.
Ako ba ang tunay na kaaway?
Ako ba ang tunay na pumapatay?
Hinubaran mo ko't ginahasa
ng iyong mga kasinungalingan.
Mga mata ko ma'y iyong bulagin
Hinding hindi mawawala ang
sirang mundong aking nakita
Iputok mo ang iyong baril
sa aking ulo, sa aking braso,
sa aking tuhod o diretso sa puso
Hinding-hindi mo ko mapapatay
sa isang kasalanang hindi ko
pinagsisihan.
ang maglingkod sa kapwa,
sa aking bayan.
Ilang araw, linggo o taon mo man
Akong itago at pahirapan
Kahit sa mismong oras ng aking
pagkakapaslang,
darating rin ang araw,
na ikaw, kayo
at sila'y
Magiging tulad kong
Mandirigma.
Ang aming paglulunsad ng pambansa demokratikong
rebolusyon
Isang digmang bayan na siyang magwawaksi ng pagkagapos sa mga kadena ng kapital at pagdudusta
Isang araw, ito'y maiintindihan mo rin
Darating sila mula sa kabundukan, upang bayan ay muling palayain
Kapit-bisig tayo, karet at maso, libro't pananampalataya
Kasalanan nga ba?
Na tawagin kaming makasalanan at rebelde?
Makinig, mamulat sa katotohanan
Sige iputok mo na, dahil hindi kasalanan kailanman
Ang maghimagsik para sa sambayanan
Malapit na ang tagumpay, nariyan na ang mamamayan
Pulang bandila'y winawagayway, sigaw ay himagsikan
Armado ng pagmamahal sa kapwa't katotohanan
paalam kaibigan, iputok mo na ang iyong baril
Dahil ang masa lamang ang tagapaglikha ng kasaysayan.

Comments
Post a Comment