Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Inaalay sa lahat ng martir at bayani ng pakikibaka mula sa First Quarter Storm at magpahanggang ngayon tulad nina Beng Hernandez, Rebelyn Pitao, Alvin Santiago, Millet, Tanya Domingo, Ian Dorado, Cris Hugo, Ambo Guran, Karen Empeno, Sherlyn Cadapan,Kimay, Fr.Pops, Cristina Jose, Capeons, at sa lahat ng Biktima ng Politikal na pamamaslang at pagdukot.



Kasalanan bang halikan ang kanilang punglo?
Makialam, harapin ang alimpuyo
At umibig sa isang paninindigan
Ng rebolusyonaryo’t proletaryado
Ng nakikibakang sandaigdigan-
Pagdampot mo sa langgam na gaya ko
Pilit bumabalikwas ang aking sentido
Ako ba’y itak?
Na babasag sa iyong utak? 
O lason sa inumin mong alak?
Hinubaran mo na ang hubad kong katawan
Nilait ng makamandag mong kasinungalingan
Mga mata ko’y iyong pinunit
Sa bala mong nangigipit
Ngunit mata ko’y di pipikit
Sa masang ako’y naaakit
Iputok mo ang baril!
Baril na dati ng sumisiil
Sa dukhang bumonot ng iyong pangil
Basagin ang ulo ko’t braso
Isama na ang tuhod at puso
Ngunit aalab parin ang maso
Di magsisisi sa paratang ng iyong amo
Na nabubusog sa dakong ibayo
Sa katas ng ninakaw
Ng gaya ninyong halimaw
Pagka’t ang nais ko lamang
Humanay sa gaya kong langgam
Maglingkod sa kanilang inyong pinahihirapan
Mabigat na sunong ang inyong pinapapasan
Magiging mandirigmang nangangagat
Ang mga langgam na linubog mo sa alat
Pagka’t sigaw nila’y rebolusyong demokratiko
Na sasambulat sa kanilang mga punso
Na ikakagulat rin ng iyong puso
Tangan nila’y karit at maso
Sige iputok mo
Sa mga langgam na gaya ko
Na kailanma’y ang paghalik sa punglo
Di kasalanan
Ang mga langgam ng kasaysayan
Ang tanging hukuman
Mamatay akong may kalayaan

Comments

  1. Iron Blade - Titanium Batteries - Titanium Art
    Iron Blade. We have an titanium sponge extensive catalog of Iron Blade and titanium nose jewelry Iron Blade in titanium hair their online store. Collectibles from Iron titanium white Blade, micro touch trimmer a brand new and $1.99 · ‎In stock

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)