Araw sa gabing madilim
















Matinding sikat na nakakasilaw

Na binubulag ang aking mga mata

Oras na upang magising at mabuhay

Kumain, maligo, sumipilyo at

kung anu-ano pang gawain.



Tanghali na at nakakasilaw pa rin

Gusto mong magpahinga ngunit

oras ng liawanag tila'y paubos na

Kailangang mag-sumikap at huwag

isayang ang nalalabi



Palubog na ang araw

Tinatanaw ang mga kulay na

nasa ulap at napaisip

Wala na ang liwanag sa palibot



Nawala man ang liwanag

Sabay akyat naman ng misteryosong

Ilaw na tila'y malaking bola na umiilaw



Ang gandang tingnan ng mga munting alitaptap

na tila'y mga bituing gumagalaw sa itim na kumot

Araw sa gabing madilim

Comments

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)