Sa mga binging tainga

SIGAW - mga salitang lumalabas sa bibig
na abot langit ang lakas
sa mga kalsada at lansangan.
Nakikita kong mga katauhan
Mga isyu't balita ng Inang Bayan,
at sa mga kani-kanilang kalagayan
kanilang pinagsisigawan

TUNOG - mula sa mga radyo at telebisyon
sa mga gitara at mga tambol nilang dala-dala
sa pagtulo ng ulan sa mga bubungang sira
mga batang nanlilimos ng awa at hustisya
kanilang mumunting tinig

HIMIG -  ng mga katauhan
sa entablado man o piketlayn
hanggang sa parangal
kinakanta ang katotohanan
sa boses ng aking mga mahal
hanggang sa kausap kong nagpapasaya

Ngunit ang mga SIGAW, TUNOG, AT HIMIG
inyo bang nadidinig? Ng mga masang nagmamakaawa
at nakikibaka
inyo bang pinapansin o sadyang binabalewala?
Sa mga berdugo at pasistang nagpapahirap sa kanila
Ako ma'y bingi sa kanang tainga
Ngayon at kailan man
Puso't isipan ay hinding-hindi
mabibingi sa katotohanan.

Comments

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)