Mag-ingat kayo

Mag-ingat kayo

sa inyong pakikibaka para

sa libre at dekalidad na edukasyon

para sa mga kabataan



Mag-ingat kayo

sa inyong pakikibaka para

sa disenteng trabaho, suhulan't benepisyo

para sa mga manggagawa



Mag-ingat kayo

sa inyong pakikibaka para

sa tunay na reporma agraryo, trabaho't lupa

para sa mga magsasaka



Mag-ingat kayo

sa inyong pakikibaka para

sa karapatang pantao at lupang habilin

para sa mga katutubo



Mag-ingat kayo

sa inyong pakikibaka para

sa tunay na hustisya at tunay na kalayaan

para sa mga Masang Pilipino



Mag-ingat kayo


sa inyong pakikibaka para

sa tunay na Pambansang Demokrasya

para sa Inang Bayan



Mag-ingat kayo

sa inyong pakikibaka

dahil maraming kaaway sa paligid



Mag-iingat kayo.

dahil maraming masang nag-aantay sa inyo

at sama-sama kayong makikibaka patungo

sa huling paglalaban.

Comments

Popular posts from this blog

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino