Buhay sa Iskwater


Bili na, bili na
ng aming mga paninda
Bago pa't sariwa
Mura na, at may tawad pa

Suki, Suki, 
masmura dito, Dito sa amin
Bagong hugas, bagong pulot
Dito na, dito ka na sa amin

Sunog, MAY SUNOG
doon sa atin, nilalamon ng sunog
Ang lahat ng ating tirahan
Si Junior at si maria ay nasa bahay

SUNOG! SUNOG?
Paano nagkasunog. 
Faulty Wirings? Eh wala namang 
kuryente sa amin. 
Sumabog ang LPG
Sa sobrang taas ng presyo, uling gamit namin
Naglalaro ang mga bata ng kandila
Nasa kalsada sila ng EDSA, 
nagbebenta ng sampagita't kendi

Patay na. 
Wala na ang sunog pati ang aming 
kinabukasan. 
ilang taon namuhay at doon na nagka-apo.
dumanas ng bagyo ng kahirapan
umahon at nagsipag
upang mamuhay ng matiwasay

isang araw, ilang oras
nilamon lahat ng apoy.
nilamon ang mga pangako
mga pag-asang makakamit ang
mapayapang buhay

Sunog! Sinunog.
Pinatayo ang isang gusali
Gusaling para sa tubo.
Gusali para sa mayayaman.
Ang daang ektarya ng lupain
para sa iisang layunin,
at iyon ay PERA.

Sunog! Sunog! uulitin ang 
Sunog.
Ipinapaglaban ang 
karapatan para sa lupang
kinuha. Ipinapaglaban
ang buhay na ilang ulit
na kinukuha. 

Umalis kayo, Umalis kayo.
Ilang libo man ang mawala,
ilang maralita mang mamatay.
Matanda man o bata.
Umalis na kayo.
Doon kayo sa malayong lugar.
Mamatay kayo, o kaming 
papatay sa inyo ika ng
kapitalista

Ngunit, hindi kami 
susuko. hindi kami 
susuko.
Buhay man ang aming
ibibigay, patuloy kaming
makikipaglaban sa inyo.
Kaming maralitang taga lungsod
hangga't may 
liyab ang aming mga puso't
damdamin, tataas at 
tataas ang aming kamao.
at lalaban sa inyong
panloloko't pamamaslang.

Lumiyab man ang aming mga
bahay, hindi niyo kailanman
mapupuksa ang aming buhay 
para sa bayan.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)