Posts

Araw sa gabing madilim

Image
Matinding sikat na nakakasilaw Na binubulag ang aking mga mata Oras na upang magising at mabuhay Kumain , maligo , sumipilyo at kung anu -ano pang gawain . Tanghali na at nakakasilaw pa rin Gusto mong magpahinga ngunit oras ng liawanag tila'y paubos na Kailangang mag- sumikap at huwag isayang ang nalalabi Palubog na ang araw Tinatanaw ang mga kulay na nasa ulap at napaisip Wala na ang liwanag sa palibot Nawala man ang liwanag Sabay akyat naman ng misteryosong Ilaw na tila'y malaking bola na umiilaw Ang gandang tingnan ng mga munting alitaptap na tila'y mga bituing gumagalaw sa itim na kumot Araw sa gabing madilim

A walk in the clouds

Image
A Walk in the Clouds I can't forget how I felt the twitterpat while watching this movie on widescreen. There were a lot of movies to watch from the hard-disk , but heck, we just chose this at random.  The moment it started playing, we were serious. Kissing scenes, and even guessed who the actor was. Someone said, "Tom Cruise" and I said, " kadali lang, mao ni si, uhmm",   We forgot who he was. " Keannu Reeves!" Yeah, it was Keanu Reeves  as we saw his name flashed on the monitor. It's a story about a guy who fell in-love with a woman. Of course, it's the usual ROMANCE Story. But we were wrong. We even analysed some parts of the movie. Like, what social class, hacienda, etcetera etcetera.  The main characters were  Paul Sutton  and Victoria Aragorn .  It was truly an enchanting movie. As what i've said in my other entry, I don't want to spill beans here, but to invite you to watch it yourself. Or with friends. Scene...

Love me if you dare

Image
Love me if you dare [Official Trailer] Jeux d'enfants or Love me if you dare is a romantic-comedy french movie. I was resting above the office, when Kepi invited us if we would like to watch with them. Since I didn't have anything to do aside from texting, I went to the living room. I haven't started the movie from the beginning. But, nevertheless, I sat on a couch, and watched the movie. I find it cute at the beginning.Seeing two little kids--two mischievous kids. They are Julien and Sophie . I wondered what is all about. I wanted to ask my friends, but they're too engulfed by it.  I thought it was another chick-flick with the typical chronicle, but it wasn't. It was full of excitement, craziness, DARES, and of course, LOVE <3 . I don't want to spill the beans. I really suggest that you lovers, broken-hearted, emo people, happy and joyful people, and movie lovers should watch this. It's a must-watch.  P.S. Must have POPCORN[Cheddar Flavor] and ...

Sa mga binging tainga

SIGAW - mga salitang lumalabas sa bibig na abot langit ang lakas sa mga kalsada at lansangan. Nakikita kong mga katauhan Mga isyu't balita ng Inang Bayan, at sa mga kani-kanilang kalagayan kanilang pinagsisigawan TUNOG - mula sa mga radyo at telebisyon sa mga gitara at mga tambol nilang dala-dala sa pagtulo ng ulan sa mga bubungang sira mga batang nanlilimos ng awa at hustisya kanilang mumunting tinig HIMIG -  ng mga katauhan sa entablado man o piketlayn hanggang sa parangal kinakanta ang katotohanan sa boses ng aking mga mahal hanggang sa kausap kong nagpapasaya Ngunit ang mga SIGAW, TUNOG, AT HIMIG inyo bang nadidinig? Ng mga masang nagmamakaawa at nakikibaka inyo bang pinapansin o sadyang binabalewala? Sa mga berdugo at pasistang nagpapahirap sa kanila Ako ma'y bingi sa kanang tainga Ngayon at kailan man Puso't isipan ay hinding-hindi mabibingi sa katotohanan.

Mag-ingat kayo

Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa libre at dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa disenteng trabaho, suhulan't benepisyo para sa mga manggagawa Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa tunay na reporma agraryo, trabaho't lupa para sa mga magsasaka Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa karapatang pantao at lupang habilin para sa mga katutubo Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa tunay na hustisya at tunay na kalayaan para sa mga Masang Pilipino Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka para sa tunay na Pambansang Demokrasya para sa Inang Bayan Mag-ingat kayo sa inyong pakikibaka dahil maraming kaaway sa paligid Mag-iingat kayo. dahil maraming masang nag-aantay sa inyo at sama-sama kayong makikibaka patungo sa huling paglalaban .

Sa mga huling minuto

Ano nga ba dapat ang aking gawin sa mga nalalabing oras ko? Maraming pumasok sa isipan ko. Una, matulog hanggang alas-dose ng tanghali. Ikalawa, maghintay sa living room ng office(KPL) hanggang mag alas dose. Ikatlo, itext si Karlos, pumunta sa UP-Diliman at kumuha ng mga kopya ng bagong Kule :D Ikaapat, maglakad-lakad sa subdivision at ang panghuli Magtext sa kanya :-) Ngunit, marami akong dapat gawin. Maraming-marami.  Pwede ako pumunta sa Sitio San Roque.  Sa ABS-CBN IJM WORKERS UNION  Makipag-usap sa mga kaibigan sa office.  At kung ano pang productive na dapat ginawa ko. Kaso hindi ko nagawa. Nakokonsensya ako. Siguro dahil na rin sa sobrang sakit ng ngipin, o nagpakaliberal ako.  Kung kailan paalis na kami, doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob makipag-usap, makipagheart-to-heart sa mga kaibigan. Marami akong mamimiss sa opisina. At ito yung mga sumusunod : 1.) Ang mga Stencils ng Flags 2.) Ang paborito kong unan at syempre, yung banig na sinus...

Monday Blues

Image
October 25, 2010 Monday Blues by: Abon at Fisda Hinding-hindi ko halos maisip na sa araw na ito, Pareho kaming nakasuot ng kulay bughaw na damit. Salamat sa tulong ng teknolohiya. Salamat sa mga masang manggagawang nagbuhos ng hirap at dugo upang magawa lamang ang isang cellphone. "Natanggap mo na ba?" "Oo. Ako rin! Nakablue!" Nananaginip ba ako? O Niloloko lamang ba ako ng aking paningin? Ito na nga ba ang tinatawag nilang "Fate" o "Destiny" ? Sa tingin ko, hindi. Coincidence lamang. Ngunit dahil sa konkretong datos.  Konkretong ebidensya na nagpapatunay na totoo ngang nakabughaw kaming dalawa sa  araw na ito. Pero ito ang hindi ko labis maisip. She's real. Totoo tong nakikita ko. Sa mga araw na hinahanap kita. Sa mga araw na gusto kang marinig. Sa araw na gusto kang makasama. Sa aking mga pakikibaka. Sa aking mga ginagawa para sa bansa. Alam ko. Ikaw nakangiti para sa akin. Ikaw ay nakatitig sa akin. Ikaw ay nagtitiwala sa akin. Ikaw ay ...