Monday Blues

October 25, 2010





Monday Blues
by: Abon at Fisda

Hinding-hindi ko halos maisip na sa araw na ito,
Pareho kaming nakasuot ng kulay bughaw na damit.
Salamat sa tulong ng teknolohiya. Salamat sa mga masang manggagawang nagbuhos ng hirap at dugo upang magawa lamang ang isang cellphone.

"Natanggap mo na ba?"
"Oo. Ako rin! Nakablue!"

Nananaginip ba ako? O Niloloko lamang ba ako ng aking paningin?
Ito na nga ba ang tinatawag nilang "Fate" o "Destiny" ?
Sa tingin ko, hindi. Coincidence lamang. Ngunit dahil sa konkretong datos. 
Konkretong ebidensya na nagpapatunay na totoo ngang nakabughaw kaming dalawa sa 
araw na ito.

Pero ito ang hindi ko labis maisip.
She's real.
Totoo tong nakikita ko. Sa mga araw na hinahanap kita. Sa mga araw na gusto kang marinig.
Sa araw na gusto kang makasama. Sa aking mga pakikibaka. Sa aking mga ginagawa para sa bansa. Alam ko. Ikaw nakangiti para sa akin. Ikaw ay nakatitig sa akin. Ikaw ay nagtitiwala sa akin. Ikaw ay may tiwala sa akin. Ako'y binigyan ng isang pagkakataong makilala kung sino ka. At ano ka. 

Ang sarap ng pakiramdam. 

Corny na kung Corny. 

Monday Blues. Hindi yung Emo-emo na pagiging Malungkot, ngunit yung literal na Bughaw sa Lunes. 

Basta alam nating dalawa.

Masaya tayo sa ating mga ginagawa. Hindi lamang sa isa't-isa, kung hindi, pati na sa kapwa.


Comments

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)