Sa mga huling minuto
Ano nga ba dapat ang aking gawin sa mga nalalabing oras ko?
Maraming pumasok sa isipan ko.
Una, matulog hanggang alas-dose ng tanghali.
Ikalawa, maghintay sa living room ng office(KPL) hanggang mag alas dose.
Ikatlo, itext si Karlos, pumunta sa UP-Diliman at kumuha ng mga kopya ng bagong Kule :D
Ikaapat, maglakad-lakad sa subdivision
at ang panghuli
Magtext sa kanya :-)
Ngunit, marami akong dapat gawin. Maraming-marami.
Pwede ako pumunta sa Sitio San Roque.
Sa ABS-CBN IJM WORKERS UNION
Makipag-usap sa mga kaibigan sa office.
At kung ano pang productive na dapat ginawa ko.
Kaso hindi ko nagawa.
Nakokonsensya ako. Siguro dahil na rin sa sobrang sakit ng ngipin, o nagpakaliberal ako.
Kung kailan paalis na kami, doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob makipag-usap, makipagheart-to-heart sa mga kaibigan.
Marami akong mamimiss sa opisina.
At ito yung mga sumusunod :
1.) Ang mga Stencils ng Flags
2.) Ang paborito kong unan at syempre, yung banig na sinusurot
3.) Ang mga graffiti ng mga hayskul ( Super Astig )
4.) Ang mga nakakalat na damit at kung anu-ano pa
5.) Ang basketball ring na cute, pati na ang basketball
6.) Ang gripo hindi pwedeng inuman
7.) Ang sinusurot na sofa
8.) Sa mga movie marathon
9.) Si Michael ( You have a lighter? )
At marami pang iba. Kung iisa-isahin ko pa.. Hindi ako matatapos.
Marami akong natutunan siyempre, na sila rin ay katulad ko. Nakikibaka araw-araw.
Maraming salamat. Sa lahat ng pinakita at ibinahagi nyo sa amin. Ipagpapatuloy ko ang pakikibaka.
Dugang kadasig sa ating lahat.
Comments
Post a Comment