Davao, here we come!

Isang umagang puno ng pag-asa.
Puno ng sigla. Puno ng, pag-aalala.

"Kailan ba kami makakauwi sa Davao?"

Yan ang tinatanong ko sa aking sarili araw-araw simula noong nalaman kong wala pa akong pera pauwi sa Davao.

Ginising ako ng kaibigan kong si Kalos, at sinabi,

"Tara, pabook na tayo"

Ito na siguro ang pinakamasayang araw ko, well, hindi naman siguro, Nageexaggerate lamang ako.
Pumunta kami ng Robinson's Galleria sa may, ahh. Basta,  hindi ko na kailangang malaman pa saan yun. 

Noong nakita ko na talaga yung Itinerary Ticket namin ni Kalos, ako'y masayang-masaya.
Makakauwi na talaga kami. 28th. Kaming 2, makakauwi na talaga. 

Bumisita sa mga kaibigan. 
Salamat Nanay sa merienda kanina at salamat din Abby sa libreng McSundae, kahit McFlurry dapat yung sa akin. Pagbisita mo sa amin sa Davao, aasahan mo yung treat ni Kalos.

Papunta na kami ng Cultural Night.
Nakakaagitate. Nakakasigla. Nakakabuhay ng damdaming makabayan,makamasa, makatao.

Natapos ang araw ko ng puno ng pag-asa.
Hindi lamang sa kapwa. Kung hindi, pati na sa buong bansa.

P.S.
ABNoynoy, naghaharing-uri, maka-Imperyalistang Estados Unidos. Papet. Tuta. Ang masa ang mapaghusga.

Comments

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)