Isang Magandang araw sa inyo

Ako'y nagagalak at nakagawa na rin ako muli ng panibagong Blog-site.
Noon pa ma'y ninanais ko ng magkaroon ng isang website o blog na kung saan, pupwede kong ibahagi ang saloobin ko, talento ko sa pagguhit, sa mga likhang tula at maiikling kwento, at kung anu-ano pa.

Patungkol sa pamagat ng aking Blog na " Sa Ngalan ng Pakikibaka " , ito'y naglalarawan kung ano ang pakikibaka ko sa pang-araw-araw. Ano nga ba ang buhay ? Ano nga ba ang mga nilalaman ng aking damdamin't isipan sa araw na darating, sa araw na lumipas o sa kasalukuyang araw. Karamihan ng mga kakilala kong bloggers ay kumikita, ngunit ako? Ginawa ko to upang makamulat rin ako ng kapwa ko sa mga nangyayari sa ating mundo. Ang pakikibaka ay maraming anyo at porma. Isa na itong CyberActivism o paggamit ng makabagong teknolohiya sa pakikibaka.

Hindi ko na papahabain pa ang bating panimula ko, at sana'y pagpatuloy nyong tangkilikin ang aking Blog.
Mga tula, awitin, bidyos, likhang kamay, digitalarts, at kung anu-ano pa. Ilalagay ko rin ang mga iskedyul ng mga aktibitis namin dito.

Pagpalain ka ng Diyos at patuloy mong imulat,iorganisa, at imobilisa ang kapwa mo upang sama-sama tayong makikibaka para sa pambansang demokrasya patungo sa isang lipunang malaya.


Ang larawang ito'y kuha ni Karlos Manlupig sa may Mendiola.

Comments

Popular posts from this blog

Miseducation of a Filipino by Renato Constantino

Kasalanan Ba? (version 2, kasama ni Prof. Jopriz Bueno)

Ang Edukasyon sa kasalukuyan (Ateneo de Davao University True Story)